BTS NAMAN!

Ni Edwin Rollon

MAY sarili ng professional league ang Batang Taga-South.

Pormal na tinanggap ng Games and Amusements Board (GAB) bilang pinakabagong professional league – at kauna-unahan sa labas ng Metro Manila – ang Philippine VisMin Super Cup.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“We’re happy and honor to welcome Vismin Cup as the newest professional league in the country and first to come out from the South,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

MITRA

“Everyone is welcome as family in GAB, as long as ‘safety and health’ protocol is put in place, we’re supportive especially that the league will definitely give opportunities to our local players to show their skills and developed talents and character,” aniya.

Kasama ni Mitra na nagbigay ng suporta sa bagong liga sa isinagawang virtual joint media conference via Google kahapon sina Commissioners Mar Masanguid, Atty. Ed Trinidad ang iba pang opisyal ng ahensiya, gayundin ang mga opisyal ng liga kasama si Cebu Councilor at Vismin Cup Ambassador Dondon Hontiveros.

“Ang daming taga-South ang mabibigyan ng opportunities. Maraming players, pero konti ang liga. This is the chance for them to show their best in the hard court and hopefully, maging stepping stone nila para maabot ang pangarap,” pahayag ni Vismin Cup Chief Operating Officer Rocky Chan.

Iginiit ni Chan na itinatag nila at ginawang professional ang VisMin Cup kipkip ang tatlong mahalagang misyon: Discover new talent; Generate Jobs for players, coaches, officials and technical personnel; and Promote Sports Tourism.

Upang masiguro na balanse ang mga koponan, sinabi ni Chan na maglalagay ang liga ng salary cup at kabilang sa panuntunan na maglagay ng anim na homegrown players sa bawat koponan.

“May kasunduan kami sa mga team na yung anim na players kailangan local, tatlo rito mula mismo sa city or municipality na irerepresent ng team. Walang mababango, dahil bahagi ng rules na kailangan mapaglaro yung anim sa 15-man rotation,” pahayag ni Chan.

May kabuuang 12 koponan na ang kompirmadong lalahok sa home-and-way format league na nakatakdang magbukas sa Abril 9 para sa Visayas leg, habang target ang May 12 opening sa Minadanao leg. Mapapanod ang mga laro sa Solar Sports.