ni Bella Gamotea

Sinimulan na ang Metro Rail Transit (MRT-7) ang construction activities, kabilang na rito ang girder installation sa gitna ng SM North at Trinoma sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isinara ang

Quezon Memorial Circle-bound lanes magmula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw na may zipper lane para sa mga sasakyang patungong EDSA.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Ang mga sasakyan na manggagaling ng Quezon Memorial Circle ay pinapayuhang dumaan sa North Avenue Service Road. Asahan ng mga motorista ang traffic stoppage o pagpapatigil sa daloy ng trapiko sa mga oras ng pagbubuhat o lifting ng loads sa lugar. Bukod pa rito, may isinasagawang concrete pouring sa Commonwealth Avenue-UP Technohub kaya nagpapatupad ng one lane traffic (westbound) sa pagitan ng 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw habang sarado rin ang North Avenue-Wildlife QMC-bound lanes sa ganap na 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw.