July 23, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Celebrity couples na umabot ng pitong taon ang relasyon pero naghiwalay

#BALITAnaw: Celebrity couples na umabot ng pitong taon ang relasyon pero naghiwalay
Photo Courtesy: Pexels

Tila nagulantang ang ilang netizens at fans nang inanunsiyo ng kapuwa content creators na sina “Mam Elma" o Elma Asagra at "Ser Geybin" o Gavin Capinpin ang wakas ng kanilang pitong taong relasyon.

Maki-Balita: 'Nilaban namin hanggang sa huli!' Ser Geybin, Mam Elma winakasan 7 taong pagsasama

Bago kasi ito ay nilinaw pa ni Ser Geybin sa isang video statement na maayos ang relasyon nila ni Mam Elma sa kabila ng lumulutang na intriga ng pagkakaroon umano niya ng third party. Ito ay kasunod ng anxiety attack ni Ser Geybin na lubhang ikinabahala ng mga fanney. 

Maki-Balita: Kaya na-anxiety attack? Ser Geybin, trending dahil sa alegasyon ng 'cheating issue!' 

Maki-Balita: Sir Geybin, isinugod sa ospital; nakatulala, nahirapang huminga, nanigas ang katawan! 

BALITAnaw

#BALITAnaw: Ang unang pagtapak ng tao sa buwan, ‘One giant leap for mankind’

Dahil sa kinahantungan ng relasyon ng dalawa, tila nadagdagan na naman ng patunay na talagang totoo ang tinatawag na 7-year itch.

Isa itong sikat na paniniwala na ang relasyon o marriage daw na umaabot sa pitong taon ay nawawalan ng saya o romansa na kalaunan ay nauuwi sa hiwalayan.

Ayon sa isang artikulo ng Cleveland Clinic, nagsimula umano ang katawagang “7-year itch” mula sa isang pelikula ni Marilyn Monroe noong 1955 na may parehong pamagat.

Sa pelikula, nangaliwa ang isang lalaking pitaong taon nang kasal matapos mahulog ang loob sa karakter na ginagampanan ni Marilyn. 

“It’s now used as a catchall term to describe feeling dissatisfied or restless in a relationship at or around the seven-year mark,” paliwanag ng clinical pyschologist na si Dr. Adam Borland.

Bukod kina Ser Geybin at Mam Elma, sino-sino pa nga bang celebrity couples na natuldukan ang pagsasama sa mismong ikapitong taon ng kani-kanilang relasyon?

1. Lars Pacheco at Clyde Vivas

Kinumpirma ni Clyde Vivas ang breakup nila ni dating “Miss Q and A 2018” 2nd runner-up at Miss International Queen Philippines 2023 Lars Pacheco noong Agosto 2025. 

Sa social media posts ni Clyde, sinabi niyang nalungkot umano siya sa ginawang pag-iwan ni Lars sa kaniya habang natutulog. Imbes din na kausapin, iniwanan lang umano siya nito ng mahabang mensahe.

Kalaunan, inamin ni Lars ang ilang beses na panloloko niya kay Clyde.

“Kung papatagalin ko pa relasyon namin, feeling ko, in the end, we will be just f*cked up. It’s my mistake, I cheated, I know, but I don’t know why,” saad ni Lars.

Ayon sa beauty queen, ikinumpisal niya ang lahat ng ito upang tuldukan na ang mga haka-haka tungkol sa nangyari sa relasyon nila.

Maki-Balita: Lars Pacheco, inaming maraming beses nag-cheat sa kaniyang jowa

2. Barbie Forteza at Jak Roberto

Hindi pa man lang natatagalan matapos pumasok ang 2025, binuluga nina dating Kapuso celebrity couple Jak Roberto at Barbie Forteza—kilala rin bilang JakBie—ang buong social media matapos nilang tuldukan ang pitong taon nilang pagsasama. 

Sa isang Instagram post ni Barbie noong Enero 2, 2025 nagbigay siya ng mensahe para kay Jak. 

“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened’ - Dr. Seuss.  Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love,” saad ni Barbie.

Bagama’t hindi na idientalye pa ng aktres ang ugat ng kanilang hiwalayan ni Jak, hindi naiwasang makaladkad ang pangalan ni “Pambansang Ginoo” David Licauco sa isyung ito ng dalawa.

Matatandaang pumatok sa fans ang tambalang “BarDa” nina Barbie at David simula noong magkasama sila sa historical-drama series na “Maria Clara at Ibarra.”

Maki-Balita: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na! 

3. Tom Rodriguez at Carla Abellana

Pinaniniwalaang 2014 nagsimula ang pagkakamabutihan nina Kapuso stars Tom Rodriguez at Carla Abellana simula nang magsama sila sa ilang mga proyekto tulad ng "My Husband's Lover," "So It's You," "So It's You," at iba pa.

Noong 2016, sinabi ni Tom kung gaano kaespesyal si Carla sa kaniyang buhay kahit wala pa rin silang label. Aniya, “Not just friend material, or co-worker material, definitely, I would say she's wife material.”

Limang taon ang makalipas, Marso 2021, isiniwalat nila sa publiko na limang buwan na silang engaged sa isa’t isa. 

Ganap silang ikinasal noong Oktubre 23, 2021 sa San Juan Nepomuceno Parish Church in Batangas.

Ngunit ilang buwan lang matapos nilang humarap sa altar, napabalita ang kanilang hiwalayan. Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens ang umano’y pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa sa Instagram.

Maki-Balita: Tom, in-unfollow si Carla sa Instagram; Kapuso couple, hiwalay na nga ba?

At sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong 2024, inamin ni Carla na divorced na sila ni Tom at kinikilala na ng korte ang kawalan ng bisa ng kanilang kasal. 

Maki-Balita: Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!

Sa kasalukuyan, kasal na ulit si Carla sa jowa niyang doktor na si Reginald Santos. Samantala, gayundin naman si Tom kinasal na umano siya sa kaniyang non-showbiz partner na hindi pa rin nito isinasapubliko. 

Maki-Balita: Carla Abellana, ikinasal na sa jowang doktor! 

Maki-Balita: 'Di ko naman sila tinatago!' Tom Rodriguez, kinasal na?