Viral at mainit na pinag-uusapan sa social media platforms na "Threads" at X" ang social media personality na si Gavin Capinpin o mas sikat sa pangalang "Ser Geybin" matapos siyang akusahang nag-cheat sa relasyon nila ng longtime partner na si Elma Asagra o "Mam Elma."
Trending nga ang "Sir Geybin," "Geybin," at "Elma" matapos pag-usapan ng mga netizen online na kaya raw inatake ng depresyon at anxiety ang content creator ay dahil may kinalaman ang umano'y third party sa relasyon nila ni Elma.
Ilang netizens kasi ang naglapag ng umano'y resibo na minsan na nilang umano'y nakitang may ibang babaeng kasama si Sir Geybin habang nasa ibang bansa, at alam nilang hindi ito si Mam Elma.
Photo courtesy: @aerlemousse/X
May mga nagsasabi pang matagal na umanong hiwalay sina Sir Geybin at Elma dahil sa nabanggit na cheating issue.
Isa pang netizen ang nagpakalat sa Threads na umano'y kaya todong nakaramdam ng depresyon si Sir Geybin ay nang mapag-alaman niyang may iba na rin ang kaniyang umano'y "kabit," na ginastusan pa raw niya at binilhan ng sariling bahay, kotse, at luho.
At ang mas juicy pa rito, mukhang ang babaeng sangkot ay mula umano sa pamilya ng politiko sa La Union, dahil ang social media personality pa nga raw ang gumastos sa "kampanya" ng magulang nito.
Photo courtesy: Screenshot via @Mang_Enriquez / X
Photo courtesy: Screenshot from X
Matatandaang kamakailan lamang, naging laman ng mga balita si Sir Geybin matapos siyang isugod sa ospital matapos matulala, manigas ang katawan, at hindi makahinga.
Maki-Balita: Sir Geybin, isinugod sa ospital; nakatulala, nahirapang huminga, nanigas ang katawan!
Emosyunal na isinalaysay ng Capinpin brothers, lalo na si Elma, ang mga pinagdaraanan ng kaniyang partner na humantong sa kaniyang depresyon at anxiety attack.
Ayon kay Mam Elma, bagama't palaging nakikitang masayahin si Sir Geybin sa kanilang mga vlog, may mga personal na pinagdaraanan din ito na hindi nakikita ng publiko.
Isa umano sa mabigat na responsibilidad na pasan ni Sir Geybin ay ang pagiging haligi ng kanilang pamilya matapos pumanaw ang kanilang amang si Peddy Capinpin.
Aniya, masaya man si Sir Geybin sa pagtulong sa kaniyang pamilya, hindi pa rin umano nito tuluyang nalalagpasan ang sakit ng pagkawala ng kanilang ama.
Bukod dito, aminado rin umanong naaapektuhan si Sir Geybin ng iba't ibang pressure sa buhay, kabilang na ang mga tanong at inaasahan ng ilan tungkol sa pagpapakasal nila ni Mam Elma.
Gayunman, tiniyak ni Mam Elma sa kaniyang partner na hindi ito dapat mabahala o makaramdam ng sobrang bigat ng responsibilidad.
Pinaalalahanan niya si Sir Geybin na napakaraming tao ang napapasaya nito sa pamamagitan ng kanilang mga vlog at handa silang lahat na maghintay hanggang sa tuluyan itong makarekober.
Sa huli, nanawagan naman silang patuloy na ipagdasal si Sir Geybin upang makasama na nila sa mga susunod na vlogs; at nangako naman ang Capinpin Brothers na patuloy silang gagawa ng content para sa kanilang followers.
Maki-Balita: Walang kuya si Kuya! Sir Geybin inulan ng suporta, dasal, at pagmamahal
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o direktang opisyal na pahayag ang kampo ni Sir Geybin o ni Elma hinggil sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.