Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kaniyang simpatya para sa bansang Venezuela, matapos ang pagyanig ng dalawang magkasunod na lindol na may lakas na magnitude 7.5 at 7.2 noong gabi ng Miyerkules, Hunyo 24.
MAKI-BALITA: Venezuela, niyanig ng 7.2 at 7.5 na lindol!-Balita
Sa mensaheng ipinahatid ni PBBM sa kaniyang Facebook page nitong Huwebes, Hunyo 25, ibinahagi niyang siya ay labis na nalulungkot matapos maganap ang naturang lindol sa Venezuela.
“Deeply saddened by the devastating earthquakes that struck Venezuela,” saad ni PBBM.
Aniya, “On behalf of the Filipino people, I extend our heartfelt sympathies.”
Anang Pangulo, nakasuporta at nakikiisa ang Pilipinas sa hinaharap ngayon ng Venezuelan people.
“The Philippines stands in solidarity with the Venezuelan people during this difficult time and hopes for the safety and swift recovery of all communities affected,” anang Pangulo.
Batay sa tala ng United States Geological Survey (USGS), ang epicenter ng unang pagyanig na may lakas na magnitude 7.2 (na sa inisyal na tala ay 7.1), ay nasa kanluran ng Moron, na makikita sa Caribbean coast—na may layong 104 milya mula sa kanluran ng Caracas, ang kabisera ng Venezuela.
Matapos ang 39 segundo, yumanig ang mas malakas na magnitude 7.5 na lindol, na may epicenter na 10 milyang layo mula sa timog-kanluran ng Moron.
Base sa mga ulat, hindi bababa sa 32 ang napaulat na nasawi bunsod ng magkasunod na lindol.