ni Nitz Miralles

NASA right age na sina Bea Alonzo at Dominic Roque at pareho naman silang single kaya hindi maintindihan ng netizens kung bakit itinatago nila ang kanilang relasyon? May iba tuloy na sa halip na matuwa ay naiinis sa ginagawang pagtatago nina Bea at Dominic sa kanilang relasyon.

Gaya nitong huling outing nilang dalawa sa Amanpulo, magkasama sila at private plane pa raw ang sinakyan papuntang Amanpulo. Ang nangyayari, hindi sila makapag-post ng photos na magkasama at laging hiwalay ang mga pino-post na litrato.

Kaya lang, nabubuking din na magkasama sina Bea at Dominic dahil pareho ang background ng litrato na kanilang napipiling i-post. Kaya tuloy, natatawag na “boyfriend sa dilim” ni Bea si Dominic dahil hindi pa nga maamin ni Bea na sila na.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay