MALLORCA, Spain – Matikas na nakihamok si Filipino tennis prodigy at Globe Ambassador Alex Eala bid, ngunit nanaig ang karanasan ng beteranong karibal sa quarterfinal ng Rafael Nadal Academy ITF World Tennis Tournament’s second leg nitong Sabado (Linggo sa Maniula).

Maagang nadomina ng No.7 seed Ylena In-Albon ng Switzerland ang 15- anyos Pinay tennis phenom tungo sa 6-0, 6-3 panalo.

Naunsiyami ang kampanya ni Eala, Globe Ambassador mula noong 2013, na masundan ang malaking panalo sa first leg ng torneo kung saan naitala ni Eala ang kasaysayan bilang unang Pinay nanagwagi ng women’s single event sa ITF meet.

Kasalukuyang No.3 si Eala sa ITF juniors rank at 1,190th rank sa Women’s Tennis Association (WTA). Nakatakda siyang sumabak sa susunod na leg habang patuloy ang pagsasanay sa naturang Academy.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!