SA pagharap sa COVID-19, hindi dapat maulit ng mayayamang bansa ang dati nitong pagkakamali na pagtatago ng medisina at bakuna, pahayag ng World Health Organization, sa babala na ang ganitong gawi ay lalo lamang magpapatagal sa pandemya.

Pinuna ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang hakbang ng mayayamang bansa na magsiguro ng malalaking bilang ng iba’t ibang bakuna laban sa coronavirus habang kakaunting doses pa lamang ang nakaaabot sa mahihirap na bansa.

“The pandemic has exposed and exploited the inequalities of our world,” aniya, sa mga mamamahayag, kasabay ng paalala na “[there now was] the real danger that the very tools that could help to end the pandemic -– vaccines–- may exacerbate those same inequalities.”

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

“Vaccine nationalism might serve short-term political goals. But it’s ultimately short-sighted and self-defeating,” ani Tedros.

Pinangungunahan ng WHO ang COVAX facility, na nagsisikap na makakuha ng bakuna at nagsisiguro na maide-deliver ang mga doses ng patas sa buong mundo.

Inaasahang sisimulan ng facility ang pagde-deliver ng doses sa mga susunod na linggo, at ayon kay Tedros, hangad dito na mabakunahan ang mga health workers at nakatatandang populasyon sa lahat ng bansa sa unang 100 araw ng 2021.

Paulit-ulit ang paalala ng WHO na ang tanging paraan upang matapos ang pandemya at mabuhay ang ekonomiya ng mundo ay ang masiguro na nabakunahan ang mga proyoridad na grupo sa bawat bansa.

Hinikayat ni Tedros ang mundo na iwasan maulit ang mga dating pagkakamali, na pagpunto sa HIV/AIDS crisis, kung saan nakuha ng mayayamang bansa ang life-saving medicines halos isang dekada bago ito nakarating sa mas mahihirap na bansa.

Nabanggit din niya ang H1N1 flu pandemic noong 2009, nang makarating ang bakuna sa mahihirap na bansa matapos ang outbreak.

“I don’t think that is a good history. It is bad history,” aniya.

‘VERY WORRYING TREND’

Nagbabala rin ang WHO chief na “if we hoard vaccines, and if we are not sharing… there will be a catastrophic moral failure.”

Dagdag pa rito, nagpaalala rin siya na, “it keeps the pandemic burning, and…(will) slow global economic recovery.”

“Is that what we want? It is our choice.”

Sinabi naman ni WHO emergencies director Michael Ryan, na hindi katanggap-tanggap ang nangyayaring labanan ng mayayamang bansa sa paglulunsad ng vaccination gayong ang mga health workers at ang at-risk populations sa ibang mga lugar ay matatagalan pa ang paghihintay bago makatanggap ng doses.

“It looks like fighting over the cake, when they don’t even have access to the crumbs,” paglalarawan ni Ryan.

Nitong Biyernes, inilunsad ng European Commission ang isang scheme upang ma-monitor at sa ilang kaso ay mapigilan ang pag-e-exports ng bakuna na produced sa EU plants, sa gitna ng sigalot sa British-Swedish drugs giant na AstraZeneca.

Binatikos ng WHO ang hakbang na ito.

“It is a very worrying trend,” giit ni WHO assistant director general Mariangela Simao.

Iginiit niya na sa isang “interconnected” na mundo, anumang medisina o bakuna ay mula sa “elements from multiple countries.”

“It is not helpful to have any country at this stage putting exportbans or export barriers that will not allow for the free movement of the necessary ingredients that will make vaccines, diagnostics and other medicines available to all the world,” paliwanag niya.

Agence France-Presse