WISH granted si Richard Yap dahil matutupad ang pangarap niyang makatrabaho si Heart Evangelista dahil siya ang napiling maging leading man ng Kapuso actress sa gagawin nitong series na I Left My Heart in Sorsogon.
Nang pumirma ng kontrata si Richard sa GMA Artist Center at tanungin kung sino sa mga Kapuso actresses ang gusto niyang makatrabaho, isa sa nabanggit niya ay si Heart. Tinupad ng GMA-7 ang wish na ‘yun ni Richard dahil siya nga ang makakatambal ng aktres sa pagbabalik serye nito.
In fact, ipakikilala na ang tambalan nila dahil this Sunday, kabilang sila sa mga guest sa first anniversary presentation ngAll-Out Sundays.
-NITZ MIRALLES