July 16, 2026

Home BALITA

Rep. Tinio, pinasisibak si Go!

Rep. Tinio, pinasisibak si Go!
Photo Courtesy: ACT Teachers Partylist, Kathleen Diaz (FB)

Nanawagan si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na sibakin sa puwesto si Gabriel Go matapos ang umano’y pamamahiya nito sa isang male teacher na nagmamaneho ng motorsiklo pero walang suot na helmet.

Si Go ang kasalukuyang chief ng Special Operations Group-Strike Force ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa video statement ni Tinio na mapapanood sa Facebook page ng ACT Teachers Party-list nitong Miyerkules, Hulyo 15, nilinaw ni Tinio na ang isyu umano sa nasabing insidente ay hindi tungkol sa kung sino ang nakahihigit sa batas kundi ang pagrespeto ng law enforcers sa mamamayan.

“Kung may paglabag, dapat 'yong law enforcers may respeto sa mamamayan. At 'yan ang hindi pinapakita ni Mr. Go,” saad ni Tinio.

Dagdag pa niya, “Pangalawang dahilan kung bakit talagang sibakin na itong si Gabriel Go: nilabag niya ang right to privacy ng isang mamamayan.”

Metro

MMDA, may show cause order kay Gabriel Go dahil sa sinitang teacher

Matatandaaang nakiusap ang male teacher kay Go na huwag na siyang kunan pa ng video. Ngunit mapilit ang MMDA official at sinabing iba-blur naman daw ang mukha ng guro.

Nauna nang rumesbak ang ilang guro para depensahan ang kanilang kabarong natiketan. 

Maki-Balita: 'Dapat ikaw ang better example sa kabataan!' Gabriel Go, binatikos sa 'pamamahiya' sa sinitang teacher

Samantala, inihayag naman ng MMDA na pansamantala nilang inalis si Go sa clearing operations habang iniimbestigahan sa pagkakasangkot sa insidente.

Ayon sa ahensya, nakarating na sa kanilang kaalaman ang kumakalat na video kaugnay sa paninita ng opisyal sa gurong lumabag sa batas-trapiko.