Ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP) ay hindi na maaaring magsagawa ng joint examination sa mga labi ng flight attendant na si Christine Dacera, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Sabado.

Ipinunto ito ni Guevarra bilang tugon sa panawagan ng pamilya Dacera para sa NBI at PNP na magsagawa ng joint examination sa kanyang mga labi.

“The NBI is in the end-stage of its investigation,” paliwanag ng kalihim.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“So a joint investigation may not be feasible anymore,” sinabi ni Guevarra.

Sinabi rin ni Guevarra na “the police has recently come up with its official report.”

“Initially, I ordered the NBI to assist the police in the investigation, particularly on the forensic examination aspect,” aniya.

“But later it became necessary for the NBI to conduct its own investigation in the interest of time and efficiency,” dagdag niya.

Inilabas ni Guevarra noong Enero 8 ang utos para sa NBI na magsagawa ng mga pagsisiyasat sa gitna ng mga batikos na binulilyaso ng PNP ang kaso. Si Dacera ay natagpuang walang malay noong Enero 1 sa bath tub ng kanyang silid sa City Garden Grand Hotel sa Makati City kung saan ipinagdiwang niya ang bagong taon kasama ang kanyang mga kaibigan.

Isinugod siya sa Makati Medical Center (MMC) ngunit idineklarang patay na sa pagdating.

Nagsagawa ang Makati City Prosecutor’s Office ng paunang pagsisiyasat sa reklamong inihain ng PNP na inakusahan ang 11 kalalakihan ng rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ni Dacera. Sa panahon ng pagsasagawa ng paunang pagsisiyasat, nagsumite ang PNP ng isang medico-ligal report na ipinakita na ang flight attendant ay namatay sa natural na mga sanhi.

Gayunpaman, ayaw tanggapin ng pamilya Dacera ang mga resulta at nanawagan ng joint PNP-NBI examination sa kanyang mga labi.

-Jeffrey Damicog