BEIJING (AFP) — Binalaan ni Chinese President Xi Jinping ang mga pinuno ng mundo sa isang all-virtual Davos forum noong Lunes laban sa pagsisimula ng isang “bagong Cold War”, at hinimok ang pandaigdigang pagkakaisa sa harap ng pandemyang coronavirus.

Chinese President Xi Jinping

Chinese President Xi Jinping

Sa kalakhan ay napigilan ang pagkalat ng pandemya sa loob ng mga hangganan nito, nais ni Xi na iposisyon ang China bilang key player sa isang bagong kaayusang pandaigdigan ng mundo habang ang US ay nananatiling lumpo ng pandemya.

“To build small cliques or start a new Cold War, to reject, threaten or intimidate others... will only push the world into division,” sinabi ni Xi posibleng pasimpleng pag-atake sa nga plano ni US President Joe Biden na buhayin ang pandaigdigan na mga alyansa upang kontrahin ang lumalaking impluwensya ng China.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa isang pag-swipe sa mga paggalaw na naka-target sa China na inilunsad ng nakaraang administrasyon ng US sa ilalim ng President Donald Trump, sinabi ni Xi na ang komprontasyon “will always end up harming every nation’s interests and sacrificing people’s welfare”.

Nanawagan din si Xi para sa mas malakas na pamamahala sa buong mundo sa pamamagitan ng mga multilateral na organisasyon, pagtanggal ng mga hadlang sa palitan ng internasyonal na kalakalan, pamumuhunan at teknolohiya, pati na rin ang mas malakas na representasyon sa entablado ng mundo para sa mga umuunlad na bansa.

Binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga patakaran ng macroeconomic upang labanan ang pabagal ng ekonomiya ng mundo dulot ng pandemya

“We must build an open world economy, firmly safeguard the multilateral trade system, and refrain from making discriminatory and exclusive standards, rules and systems, as well as high walls that separate trade, investment, and technology,” aniya.