BUSY ang February schedule ni Lovi Poe at parang lahat ng activities niya, sa February lahat mangyayari.

Nagsimula lang nitong January 27 ang streaming sa Netflix ang mga pelikula niya, nauna na ang Woke Up Like This, sa Feb. 12, ang streaming ng The Annulment, at Feb. din ang I Can’t See You: High Rise Lovers.

Sa Feb. 15 naman ang pilot ng Owe My Love, ang bagong rom-com series ng GMA-7 at ngayong buwan din ang release ng single niya sa Viva Records na Under. Sa Feb. 11 naman ang birthday niya at sa petsang ‘yun ay 32 years old na siya.

Kaya gustuhin man, parang hindi makakalipad si Lovi for Los Angeles, Californina to be with her boyfried, Monty Blencowe. Suportado ni Monty ang career ni Lovi at hinahayaan nitong magkahiwalay sila, hanggang hindi pa sila ikinakasal.

Tsika at Intriga

Daniel Padilla, dedma raw sa tagumpay ng 'Hello, Love, Again?'

Si Benjamin Alves ang leading man ni Lovi sa Owe My Love na kung saan, kahit wala silang romantic relationship at hindi nanligaw si Benjamin kay Lovi, ang lakas pa rin ng kanilang chemistry.

-Nitz Miralles