Inilatag na ng Philippine National Police (PNP)-National Capital Region Police Office (NCRPO) ang implementasyon ng “full security” sa buong Metro Manila bilang paghahanda sa gaganaping White Ribbon Rally sa Linggo, Hunyo 28.
Ayon sa PNP-NCRPO nitong Sabado, Hunyo 27, tinatayang 9,602 personnel ang nakaestasyon sa iba’t ibang lungsod ng Metro Manila upang matiyak ang kaayusan ng mga raliyistang makikiisa sa White Ribbon Rally.
Samantala, ang pagdaraos ng White Ribbon Rally ay unang inanunsyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) noong nakaraang Biyernes, Hunyo 19.
Layon ng malawakang demonstrasyong ito na ipananawagan sa pamahalaan ang pagpapanagot sa mga indibidwal na sangot at may kaugnayan sa mga katiwalian.
“Itong rally na ito is to remind, once again, that the Filipinos, tayong lahat, deserves a better future. And we believe that [a] better future is achieved through better politics – politics that serves the people’s interest, protects human dignity, and is guided by justice rather than greed,” ani Bishop Jose Colin Bagaforo.
MAKI-BALITA: ‘White Ribbon Movement,’ ikakasa ng iba’t ibang religious groups sa Hunyo 28