Sisimulan na ng Philippine Red Cross (PRC) na gamitin ang mas murang saliva coronavirus disease 2019 (COVID-19) test sa bansa.

Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, dating kalihim ng Department of Health (DOH) at ngayon ay pinuno ng molecular laboratories ng PRC, natapos na nila noong nakaraang linggo ang pagpapalawig ng pilot run ng saliva-based testing method para sa may 1,000 samples.

Inaprubahan na rin aniya ng DOH ang paggamit ng saliva test para sa pagtukoy ng amga kaso ng COVID-19 kaya’t sisimulan na nila itong gamitin ngayong araw (Lunes).

Aniya, available ang saliva COVID-19 test sa molecular laboratories sa Mandaluyong at Port Area sa Maynila.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Inaasahan din naman ni Ubial na pagsapit ng Pebrero, lahat ng 13 molecular laboratories ng PRC ay gagamit na rin ng naturang paraan ng pagsusuri.

-Mary Ann Santiago