Tinatayang aabot sa 1.6 milyong trabaho ang lilikhain ng pagluluwag sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution kapag natuloy ang Charter Change o Cha-Cha.
Sa pag-aaral ng University of the Philippines (UP) Research and Extension Services Foundation- Regulatory Reform Support Program for National Development (UPPAF-RESPOND), ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa foreign investors ay tiyak na magbubunga ng trabaho sa mga Pinoy.
Sa pag-aaral na isinumite ng UPPAF-RESPOND sa House committee on constitutional amendments, ang pagluluwag sa constitutional amendments na nagbabawal sa pag-aari ng mga dayuhan sa ilang industriya ay makatutulong sa pagbabawas sa kawalang-trabaho ng 40 porsiyento sa antas na 5.1 porsiyento mula sa 8.7% na naitala noong Oktubre 2019.
“The new jobs will totally offset the annual job losses in domestic trade, finance, real estate and business services and allow significant job recovery rates in manufacturing (38%), construction (35%), at iba pang mga serbisyo, kabilang ang health and tourism (25%) at transport and storage (19%),” ayon sa pag-aaral ng UP.
Kinatigan naman ni Prof. Enrico Basilio, hepe ng UPPAF-RESPOND, ang mga nagsusulong ng Cha- Cha sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco, na bubuti ang klima ng pamumuhunan sa bansa kapag lumuwag ang mahihigpit na probisyon sa foreign ownership.
-BERT DE GUZMAN