Matapos ang tatlong linggong sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, nagbabadya namang magpatupad ng kakarampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 20 sentimos hanggang 25 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang 5-10 sentimos naman sa presyo ng diesel at kerosene.

Ang napipintong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng bahagyang pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Enero 19,huling nagpatupad ng big-time oil price hike na P1.05 sa diesel;P1.00 sa gasolina, at P0.95 naman sa kerosene.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Kung susumahin ang naging pagtaas ng petrolyo sa loob ng tatlong linggo ngayong buwan, umabot na sa P2.30 sa gasolina; P1.65 sa diesel at P1.60 naman sa kerosene.

-Bella Gamotea