Hindi lang willing kundi ready pa si Vice President Leni Robredo na magpabakuna o turukan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine upang makuha ang kumpiyansa ng mamamayan sa bisa at kaligtasan nito.

Ito ang inihayag ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo at sinabing ang kahandaan na magpaturok ng Bise Presidente ay tugon sa hamon ni Senator Bong Go na mauna siyang magpabakuna upang maniwala ang mga tao sa vaccination program.

“Sa unang linggo pa lang ng Disyembre, sinabi na ni Robredo na handa siyang magpabakuna upang ma-encourage ang lahat ng Pilipino na magpabakuna,” ani Gutierrez.

Ayon kay Gutierrez, naniniwala si Robredo na ang gobyerno ay dapat na may dalawang prayoridad hinggil sa isyu. Una, tiyakin ang availability ng ligtas, mabisa at murang vaccines, at pangalawa, siguruhing lahat ng Pinoy ay mababakunahan.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

-Bert de Guzman