WASHINGTON (AFP) — Naupo si Joe Biden nitong Miyerkules bilang ika-46 na pangulo ng United States na may positibong panawagan para sa pagkakaisa, na nangangako na tulayin ang malalim na paghihiwalay at talunin ang domestic extremism dalawang linggo matapos na subukang bawiin ng isang marahas na kaguluhan ang kanyang tagumpay sa halalan.

joe biden

Sa isang malamig ngunit maaraw na araw sa mismong gusali ng Capitol na sinalakay noong Enero 6, nanumpa si Biden ilang sandali matapos na maging unang babaeng pangulo ng Amerika si Kamala Harris, na nagsara ng libro sa magulong apat na taon ni Donald Trump.

“Democracy is precious, democracy is fragile and at this hour, my friends, democracy has prevailed,” sinabi ni Biden sa harap ng National Mall na walang tao dahil sa napakahigpit na security at Covid-19 pandemic na ipinangako niyang kaagad niyang tututukan.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

“We must end this uncivil war that pits red against blue, rural versus urban, conservative versus liberal. We can do this if we open our souls instead of hardening our hearts, if we show a little tolerance and humility and we’re willing to stand in the other person’s shoes,” aniya.

“Together we shall write an American story of hope, not fear, of unity, not division, of light, not darkness. A story of decency and dignity, love and healing and goodness.”

Ngunit si Trump ay sinira ang 152 taon ng tradisyon sa pamamagitan ng pagtanggi na dumalo sa inagurasyon ng kahalili.

Si Biden - bise presidente sa loob ng walong taon sa ilalim ni Barack Obama - ay umapela sa mga tagasuporta ni Trump.

“I will be a president for all Americans,” sinabi ng beteranong Democrat.

Historic firsts

Sa edad na 78, si Biden ay ang pinakamatandang pangulo ng US. Siya lamang ang pangalawang Katolikong pangulo at nanumpa lumang Bibliya ng pamilya.

Si Harris, anak ng imigrante mula sa India at Jamaica, ay naging highest-ranking woman sa kasaysayan ng US at ang unang person of color na naging vice president. Ang mister niyang si Doug Emhoff ang naging unang “second gentleman” ng America.

Celebrity power

Wala mang tao sa National Mall gayunpaman ay nagdala si Bisen ng lakas ng tanyag na tao - absent apat na taon na ang nakalilipas kay Trump. Si Lady Gaga ay kumanta ng pambansang awit at si Tom Hanks host ng isang televised evening appearance kasama ang bagong pangulo.

Si Jennifer Lopez ay umawit ng “This Land is Your Land,” at pagkatapos ay nagpahayag ng “one nation, under God, indivisible, with liberty and justice for all” -- sa Spanish.

Trump magbabalik

Umalis si Trump sa Washington ilang oras bago ang inagurasyon, naglalakad sa isang pulang karpet sa damuhan ng White House kasama ang kanyang asawang si Melania pasakay sa Marine One presidential helicopter, na lumipad malapit sa Capitol bago magtungo sa Andrews Air Force Base.

“This has been an incredible four years,” sinabi ni Trump sa daang daang mga tagasuporta bago umalis patungonsa kanyang resort sa Florida sa kanyang huling paglalakbay sa Air Force One.

“We will be back in some form,” pangako ni Trump

Sa unang pahiwatig ng kabaitan, hiniling ni Trump para sa susunod na administrasyon ang “great luck and great success” - at sinabi ng isang tagapagsalita na pinanatili niya ang isang tradisyon sa pamamagitan ng pag-iwan ng isang liham para kay Biden.

Si Mike Pence, ang outgoing vice president, ay dumalo sa inagurasyon at namataan na tumatawa kasama si Harris.

Nakilahok din ang mga dating pangulo na sina Barrack Obama, George W. Bush at Bill Clinton at ang kanilang mga asawa - kasama na si Hillary Clinton.