Ang China at ang World Health Organization ay maaari sanang kumilos nang mas mabilis upang maiwasan ang sakuna sa mga unang yugto ng pagsiklab sa coronavirus, konklusyon ng isang panel ng independent experts.

Sinabi ng Independent Panel for Pandemic Preparedness and Response na ang pagsusuri nito sa pagsisimula ng krisis sa China ay “suggests that there was potential for early signs to have been acted on more rapidly”.

Ang mga hakbang sa pagkontrol ay dapat na kaagad ipinatupad sa lahat ng mga bansa kung saan malamang ang transmission, sinabi ng panel sa kanilang pangalawang ulat, na ipiprsinta sa executive board ng WHO nitong Martes.

Ang Covid-19 ay unang napansin sa gitnang lungsod ng Wuhan noong huling bahagi ng 2019 bago tumawid mga hangganan ng China upang mapahamak ang mundo, at pumatay ng higit sa dalawang milyong buhay at lumumpo sa mga ekonomiya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ng panel na malinaw na ang “public health measures could have been applied more forcefully by local and national health authorities in China in January”.

Pinuna din ng ulat ang WHO sa kakuparan nito sa pagsisimula ng krisis, na tinukoy na ang ahensya ng kalusugan ng UN ay hindi nagpatawag ng kanilang emergency committee hanggang Enero 22, 2020.

At nabigo ang komite na sumang-ayon na ideklara ang outbreak na isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) - ang pinakamataas na antas ng alerto - hanggang sa makalipas ang isang linggo.

Mga akusasyon ni Trump

“It is not clear why the committee did not meet until the third week of January, nor is it clear why it was unable to agree on the (PHEIC) declaration... when it was first convened,” saad sa ulat. Nakaharap na ang WHO sa mga akusasyon na masyadong mabagal upang ideklara ang isang international crisis, na kilalanin na ang virus ay kumakalat sa hangin, at magrekomenda ng mga face mask.

Inakusahan ni outgoing US President Donald Trump ang samahan ng palpak na paghawak ng pandemya at bilang isang “puppet of China”.

Ang panel, na pinangunahan ni dating New Zealand prime minister Helen Clark at Liberian president Ellen Johnson Sirleaf, ay nagsimula ang gawain nito noong Hulyo matapos ang panawagan ng mga estado ng kasapi ng WHO na isang “walang kinikilingan, independyente at komprehensibong pagsusuri” ng pagtugon nito sa pandemya.

AFP