MADALAS na kumukuha nang malawak na atensiyon sa buong mundo ang pagsisimula ng bagong administrasyon sa Amerika dahil sa ekonomikal, politikal, at militar na impluwesiya ng United States sa maraming bansa sa kasalukuyan. May dagdag pang rason para sa interes at pangamba sa inauguration ngayong araw ni President Joseph Biden—ang banta ng karahasan mula sa mga hard-core loyalists ni outgoing President Donald Trump na naniniwala sa kanyang bintang na nadaya siya sa halalan.
Sapilitang pinasok ng mga tagasuporta ni Trump ang US Capitol kung nasaan ang Senate at House of Representatives nitong nakaraang Enero 7, hinalughog ang mga opisina, at ginambala ang nagaganap na pagdinig para sa proklamasyon ng pagkapanalo sa halalan ni Biden. Kalaunan naitaboy ang mga tao mula sa lugar matapos ang gulo na kumitil ng limang tao, kabilang ang isang Capitol policeman.
Mayroon ngayong banta ng marahas na pag-antala sa proklamasyon ngayong araw ni Biden, kasama ng mga pag-atake sa mga state capitol sa lahat ng 50 estado ng Amerika. Bantay-sarado ngayon ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at ng puwersa ng pulisya ang buong Washington, DC, Mall, kung saan nakatayo ang Congress, White House, Lincoln Memorial, at iba pang national government buildings, kung saan nasa sentro ng Mall ang Washington Monument. Naiiba ang seguridad sa Capitol sa harap kung saan manunumpa ngayong araw sina President Biden at Vice President Kamala Harris.
Pinalakas din ang seguridad sa lahat ng 50 state capitols dahil sa mga banta na natanggap ng FBI. Ngunit ang pag-alerto ay hindi lamang dapat limitado sa mga nabanggit na lugar, lalo’t anumang karahasan sa US ngayon ay makikita bilang bahagi ng protesta ng mga grupo na naniniwala sa sinasabi ni Trump na dinaya siya sa eleksyon.
Nakalulungkot na ang lahat ng mga pangambang ito ng karahasan ay nananatili hanggang ngayong araw ng panunumpa ng bagong administrasyon. Sisimulan ni President Biden ang isang administrasyon sa pagpapawalang-bisa ng lahat ng maraming desisyon ng administrasyong Trump sa nakalipas na apat na taon, kabilang ang pagbabawal sa mga bisita na mula sa mga Muslim na bansa, pagpapahinto sa immigration na mula sa mga bansa sa Latin America kasama ng polisiya na naghihiwalay sa magulang mula sa kanilang mga nakakulong na magulang, ang pagkalas sa makasaysayang Paris Climate Agreement, pag-alis sa tradisyunal
na US leadership sa Western alliances, at ang paglansag ng maraming kasunduan kasama ang China.
Makasaysayan din ang pagsisimula ngayong araw ng bagong administrasyon lalo’t ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ang US ng isang babae na vise president, na isa ring woman of color, sa pagiging anak ng isang immigrant na ama mula Jamaica at isang immigrant na ina mula India. Isa itong bagong kaganapan sa magiting na kuwento ng American immigrants mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nagsama-sama upang mamuhay at magtrabaho sa isang bagong bansa na ngayo’y Amerika. Maraming Pilipino ang bahagi ng kuwentong ito; may higit apat na milyong Pilipino immigrants ang naninirahan ngayon sa US.
Lubos tayong umaasa na hindi magaganap ang banta ng karahasan na natanggap ng FBI at makapagsisimula ngayong araw ang bagong Biden-Harris administration ng walang banta ng karahasan. Maraming kailangang gawin ang mga bagong lider ng US —bukod pa sa COVID-19 pandemic na pinakamatinding tinamaan ang US sa lahat ng mga bansa sa mundo.
Kasama tayo ng mundo sa umaasa sa maayos na pagsisimula ng bagong Biden-Harris