Tuloy na tuloy na ang pagbuo ng ikatlong distrito ng Caloocan City matapos isagawa ang 3rd at final reading sa Kamara para hatiin ang first district sa dalawang distrito.

Sa ilalim ng House Bill No. 7700 o “An Act Reapoortioning the First Legislative District of Caloocan City in Two Legislative Districts” na iniakda ni First District Representative Gonzalo Dale “Along” Malapitan, magiging tatlo na ang distrito ng lungsod mula sa dalawang distrito lamang.

Kahapon ay pormal ng pinagtibay sa Kongreso ang paghati sa dalawang distrito ng North Caloocan City.

Batay sa 2017 census, mayroon 17 milyong residente ang lungsod, at 76 porsiyento dito ay nakatira sa First District habang ang 25 % ang nakatira sa 2nd District. Itatakda sa lalong madaling panahon ang plebisito bilang isa sa mga requirements sa pagbuo ng 3rd district ng Caloocan.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

-Orly L. Barcala