Ipinanganak na ni Andi Eigenmann kamakailan ang 2nd child nila ng fiancée na si Philmar Alipayo.

andi at philmar

Puno ng pasasalamat ang aktres sa ligtas na panganganak. At siyempre, hindi rin nakalimutan ni Andi na magpasalamat sa kay Philmar na kasama niya sa panganganak.

Pagbabahagi ni Andi sa social media, “We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!”

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

May appreciation post din si Philmar para kay Andi.

“Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you mahal ko. You are the strongest person I know,” post nito.

May una nang anak si Andi at Philmar, si Lilo. Habang ang panganay ni Andi na si Ellie ay anak sa dati nitong boyfriend na si Jake Ejercito.

-STEPHANIE BERNARDINO