KAHIT kasal ng kaibigan niyang si Alex Gonzaga kay Mikee Morado, nagawa pa ring asarin ni Luis Manzano si Alex. In-announce kasi ni Alex na “Netizens, we are married!Sa halip na i-congratulate at mag-wish ng best wishes, ang comment ni Luis na “Alam ba ni Mikee?” na ikinatawa ng netizens na nakabasa sa post ni Luis. Sinagot tuloy ni Alex si Luis ng “kaya ka di naimbitahan e.” Sagot ni Luis, present siya sa kanyang kasal, hindi lang siya nagpakita.
Saka, kinongratulate naman ni Luis ang mga bagong kasal at pati nga ang fiancee niyang si Jessy Mendiola, nagpaabot din ng congratulations at best wishes.
Parang Christian wedding ang naganap at kung tama kami, sa bahay nina Alex ginawa ang kasal nila ni Mikee dahil ‘yun ang nakalagay sa kanyang location sa kanyang post ng wedding photos nila ni Mikee.
Kung hindi nagkaroon ng pandemic, last October 2020 ang naka-schedule na wedding nina Alex at Mikee. Hanggang sa nagka-Covid-19 si Alex at naurong na naman ang kasal nila ni Mikee.
But ayaw patalo si Alex dahil ikinasal sila ng asawang si Mikee kahit may pandemic pa. Kapansin-pansin lang na sa kasal nila, konti lang ang tao at pamilya lang nila ang nakita namin sa kasal. Sinunod nina Alex at Mikee ang safety protocols na ipinapasunod ng gobyerno ng Pilipinas.
-Nitz Miralles