NAGPASALAMAT si Maja Salvador sa mga nanood at sumuporta sa Sunday Noon Live na after three months ay nagpaalam na sa ere. Kabilang kasi si Maja sa talent ng ABS-CBN na hiniram ni director Johnny Manahan at ng Brightlight Productions para isama kinaPiolo Pascual at Catriona Gray na host/performer ng show.
Tweet ni Maja, “Maraming salamat po sa inyong lahat na sumubaybay, sumuporta, at nakisaya sa amin sa isang buong season ng #SNL. Thank you very much Mr. M sa
pagbuo ng show na ito para makapagbigat ng trabaho sa marami at makapagdulot ng saya sa lahat ng mga fans for the past 3 months.”
Ngayong wala na ang SNL, inaasahan ng fans ni Maja na babalik siya sa ASAP at siguro naman daw, welcome pa rin ang aktres sa ABS-CBN. May mga nag-comment naman na sana hindi na lang umalis sa ABS-CBN si Maja at hindi na lang tinanggap ang show ng TV5.
Nitz Miralles