Tiniyak ng Malacañang na maglulunsad sila ng information campaign kaugnay ng mga benepisyo ng iba pang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine brands upang makuha ang tiwala ng publiko sa isasagawang vaccination program ng gobyerno.

Ito ang pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque sa gitna ng akusasyon laban sa pamahalaan na pinapaboran ang Sinovac vaccine kaysa sa mas mura ngunit epektibong mga brand ng bakuna.

Inihayag ni Roque, ipapaliwanag ng tanggapan nito sa publiko ang usapin sa iba pang bakuna, katulad ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, at Moderna, at iba pa.

“Well, in due course, ang plano namin dito sa press briefing to build confidence. Lahat po iyang mga bakuna na iyan, as soon as they arrive, ay sasabihin po natin sa taumbayan kung anong datos. Kasama po iyan sa aming overall plan,” banggit nito.

Bilang ng operasyon ng POGO sa bansa, bumaba sa 17 bago matapos ang 2024

Armado ng malalim na pananaliksik kaugnay ng Chines brand, madalas na isinasapubliko ng Malacañang ang mga developments ng Sinovac vaccine kahit na lumabas sa mga pagsusuri sa ibayong-dagat na mas mura ang iba pang Western brand at mas epektibo pa kayasa sa Chinese brand.

“Sa tingin ko po, itong ginagawa natin na pagpapaliwanag, bagama’t hinahaluan ng pulitika po ng mga kritiko ng administrasyon ay maiintindihan naman po ng taumbayan kung ano ang ginagawa ng gobyerno,” dagdag pa ni Roque.

-Argyll Cyrus Geducos