Apat na pulis, kabilang ang isang opisyal, at isang sibilyan, ang inaresto ng anti-narcotics group ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isang tagong shabu laboratory sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales, kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilala ni PDEA spokesperson Derrick Arnold Carreon, na sina Police Lt. Reynato Basa Jr., Corporal Gino dela Cruz, Corporal Edesyr Victor Alipio, Corporal Godfrey Duclayan Parentela, at Jericho Dabu.

Paliwanag ni Carreon, ang lima ay dinakip matapos madatnan sa mismong laboratoryo ng shabu sa 336-B FineBack St., dakong 1:00 ng madaling araw.

Nasamsam ng pulisya ang 300 gramo ng shabu, limang cellular phone, iba’t ibang laboratory equipment na ginagamit sa paggawa ng illegal drugs, apat na Glock 17 9mm pistol; isang Honda Civic VTI 1996 model (UKM 779), at boodle money.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Naniniwala ang PDEA na mga naarestong pulis ay protector ng naturang shabu laboratory.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 8, at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-CHITO CHAVEZ