Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay ng pagpasok na sa bansa ng United Kingdom coronavirus disease 2019 (UK COVID-19) variant, kamakailan.

Paglilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tumaas ang transmissibility ng nasabing bagong variant ng virus, gayunman hindi umano ito magdudulot ng matitinding sakit.

“There is no need to panic actually kung tayo lang ay susunod sa minimum public health standards. The variant ‘di po siya nagbago ng transmission, ‘yun pa rin po. Wala pong sinasabi na mas magkakaroon ng severe diseases,” sabi ni Vergeire.

Gayunman, binigyang-diin nito na ang paglaganap ng UK COVID-19 variant ay magreresulta sa pagtaas ng kaso nito at paglobo na rin ng bilang ng pagpapa-ospital.

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

“This (variant) has…mas increased ang transmissibility, ibig sabihin po mas nakakahawa itong variant na ito,” paglilinaw nito.

Ipinayo ni Vergeire sa publiko na paigtingin pa rin ang pagpapatupad sa minimum public health standards upang hindi na lumaganap pa ang variant.

Ipinaliwanag pa nito na pinalawak na ng DOH ang kanilang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng lalaking pastenteng dinapuan ng variant.

“We are expanding the coverage of the contact tracing up to third generation because nga may variant so mas madaling kumalat kaya gusto natin po mas ma cover lahat ng angulo para ma prevent po natin ang further spread of this variant,” dagdag pa ng opisyal.

-NOREEN JAZUL