Buo at handa na ang komite na nakatokang mag-monitor sa posibleng side effects o epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.

Ito ang tiniyak ng isang eksperto sa bakuna ngayong inaasahang aarangkada na ang vaccination program ng pamahalaan simula sa susunod na buwan.

Nilinaw ni UP-PGH Professor Emeritus Dr. Lulu Bravo, noong 2013 ay nalikha na ang National Adverse Event Following Immunization Committee na binubuo ng iba’t ibang eksperto na susuri sa epekto ng bakuna.

Hindi lamang aniya sa Metro Manila mayroong immunization committee, kundi pati na rin sa local at regional immunization center.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Ang Pilipinas ang isa sa iilang bansa sa Asia Pacific ang mayroong ganitong komite, aniya.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang vaccine expert sa publiko na ibigay ang tiwala sa mga bakunang sinisikap ng pamahalaan na angkatin dahil tiyak umanong dadaan naman sa masusing pagsusuri at matiyak na ligtas gamitin ang mga ito.

-Beth Camia