MULING nangibabaw si PH chess genius Jasper Faeldonia mula Odiongan, Romblon, sa Romblon Chess Club (RCC) tournaments matapos magkampeon sa 41 player's field All-Romblomanons Chess Players.
Ito ang ika-apat na championship crown ni Jasper, winner din sa 4th Edition, 5th editionat 7th edition ng blitz online chess tournament sa lichess.org na suportado nina Dr. Jenny Mayor ng Mayor Dental Clinic, DILG Regional Director Engr. James Fadrilan, DSWD-MIMAROPA RIO-III Engr. Ernie Faeldonia at Mr. Gerry Servanez.
Ang Grade 10 student varsity ng Arellano University under the tutelage ni NM/NA/AGM Rudy Ibanez ay nakapagtala ng 12 wins & a loss sa 13-round Swiss system. Sumunod naman si Mr. Bryan Blair Fallarme ng Corcuera sa second place at DepEd Teacher mula Corcuera, Romblon na si Mr. Jerry Morada Jr. na nasa 3rd place.
Ating magugunita na si Jasper ay co-champion sa Singapore National Age Group Chess Championships dalawang taon an ang nakakalipas.