Tiwala ang Malacañang na sa loob ng isang taon ay mawawala na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalang sitwasyon ng traffic sa buong mundo.

Kumpiyansa ang Malacanang matapos makita sa Number 2020 Traffic Index Report na nagsagawa ng pag- aaral sa may 81 bansa, “worst” o pinakamalala ang kondisyon ng traffic sa Pilipinas sa South East Asia at pang-siyam sa buong mundo.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, infrastructure projects ang sagot sa problema na ginagawa na ng pamahalaan na malapit nang matapos.

Naririyan na ang tapos nang NLEX-SLEX connector, Cavitex project habang kaliwa’t kanan pang mga proyekto ang tinatapos gaya ng MRT- LRT expansion project na tatagos hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Naririyan pa aniya ang subway project na nasimulan na din habang tuloy-tuloy pa ang mga road, iba pang mass transport, at infrastructure projects na tiyak ani Roque na magpapatanggal sa Pilipinas kahit man lang sa top 20 ng mga bansa sa buong mundo na may pinakagrabeng traffic situation.

-Beth Camia