LABIS ang saya at suportado ni Glaiza de Castro ang BFF (best friend forever) niyang si Angelica Panganiban dahil nakakita na ito ng new love kay Subic-born yacht desingner na si Gregg Homan. Nagulat nga raw siya nang mag-announce ang kaibigan sa kanyangInstagram last January 1.

angelica at glaiza

Nahuli sa balita si Glaiza dahil wala siya sa bansa at masayang nagbabakasyon sa Ireland sa family ng boyfriend niyang si David Rainey noong Holiday season.

“Kaya nagulat ako sa announcement niya, pero happy ako na talagang natagpuan din siya ng taong magmamahal sa kanya,” sabi pa ni Glaiza sa isang interview. “Sa palagay ko naman ay perfectly matched sina Angelica at Gregg. Swak at compatible sila sa character at interest nila.”

Derek Ramsay, mamamaalam na nga ba sa showbiz?

Alam ni Glaiza ang mga pinagdaanan ng kaibigan pagdating sa lovelife nito.

“Sa lahat ng hirap at sakripisyo, sa lahat ng mga iyak, hindi naman laging ganoon ang kakaharapin niya o mai-experience niya, siyempre, lahat iyon may kapalit. Kaya happy ako kasi, she deserves to experience itong love na ito.

“Siguro masyadong exposed iyong mga past relationships niya, medyo nagkaroon ng epekto iyon sa kanya. Kaya feeling ko ngayon, makakatulong kina Angelica at Gregg na hindi sila parehong nasa showbiz.”

-NORA V. CALDERON