Nagbabala ang OCTA Research group sa posibilidad ng ‘significant surge’ ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa National Capital Region sa mga susunod na linggo kasunod ng holiday season.

“There is a clear upward trend now… and if this upward trend continues, the local governments will need to implement measures to reverse this direction before the pandemic gets out of hand,” pahayag ng OCTA. Base sa nakuhang datus ng OCTA, tumaas ng mahigit 400 ang kaso sa NCR at nakita rin ng grupo na nanatili sa apat na porsyento ang positivity rate sa NCR sa mga nakalipas na linggo mula sa limang porsyento ideal rate ng World Health Organization.

Nabatid na ang Quezon City ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 kada araw na may 76 kaso habang nakita ang pagtaas ng kaso kada araw sa Marikina City sa 25 mula sa 11 ng mga nakaraang linggo.

Marikina City din ang mayroong pinakamataas na positivity rate sa NCR na 11 porsyento kaya’t minarkahan ng grupo ang lungsod na “LGU of concern.”

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Mula naman sa datos ng Department of Health, tumaas ang reproduction number ng bansa na 1.13 na mas mataas kumpara sa 1.02 Disyembre 21 kaya ang indikasyon ay kumakalat ang virus.

Nanawagan ang grupo sa mas maigting na COVID-19 testing, tracing, at pag-i-isolate upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Giit pa ng grupo na maaaring nasa bansa na ang bagong COVID-19 variant na mula sa UK kaya naman iminungkahi ng OCTA na dagdagan pa ang paghihigpit sa border control.

Beth Camia