NAG-REACT si Nadine Lustre sa nabalitang nakasuot siya ng bikini sa hiking nila ng kanyang mga kaibigan. Sa kanyang IG Storiesnilinaw ni Nadine ang balita, sabay ang paglilinaw na wala siyang Twitter account.

nadine

Post ni Nadine: “Ayokong magsuot ng basang shorts, kaya nagpatuyo muna ng mga 10 mins ok. Ikaw kaya magsuot ng basang maong habang nagha hike.” Sinundan ito ng post na “Di na ba uso fact checking ngayon? 2021 na o. Anuba.”

Sa post na ‘yun ni Nadine, hinubad muna niya ang suot na basang maong, kaya naka-bikini siya, may nakakita na baka hindi nila kasama at nag-report ang nakita na naka-bikini si Nadine. Kaya rin niya nasabing sana nagtanong muna sa totoong nangyari.

Tsika at Intriga

Resbak: Archie Alemania, naghain ng counter-affidavit laban kay Rita Daniela

Nag-post din si Nadine ng “I have no Twitter. I can’t believe people really assumed that I hiked in a bikini. Balakayodiyan babalik ba na ko sa ulap” dahil nabalitang may Twitter account siya. Ibig sabihin, parody account ang Twitter account sa kanyang pangalan.

Comment ng netizens dapat nagdala ng extra shorts si Nadine sa hiking para may pampalit siya ‘pag nabasa ang suot na nangyari nga.

-NITZ MIRALLES