NASA bansa ang casting team ng isang upcoming Walt Disney Studios film dahil nag-announce sila na naghahanap sila ng isang Filipino lola para maging part ng cast. At ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareño ay nag-post sa Twitter niya na interesado siyang mag-audition for the said role.

gina pareno

Tweet ni Gina, “pasado ba ako ‘pag nag-audition ako sa Disney? RETWEET IF YOU AGREE!”

Madali namang sumagot ang mga followers at fans ni Gina at nag-retweet sila at tagged Disney’s Twitter pages, at wish nilang i-consider nila ang veteran actress for the role. Ang iba nga ay natuwa at naniniwala raw sila na perfect choice kung pipiliin nila si Gina. Ang ibang fans ay nag-share pa ng ilang eksena ni Gina mula sa mga nagawa na niyang proyekto sa movies at TV.

Nagpakilalang tita ni Anthony Jennings, rumesbak kay Jam Villanueva

Isang mahusay na aktres si Gina at tumanggap na siya ng mga awards mula sa award giving bodies sa bansa at sa mga international acting awards.

Ayon sa Sarah Finn Casting team ng upcoming Disney film, hindi raw kailangan ang professional acting experience. Kailagan lamang nilang magpadala ng short video with a self-introduction part in English, i-share nila ang tungkol sa kanilang family or favorite activity, in whatever Filipino language or dialect they prefer.

Isa rin sa requirements, dapat ang mapipiling Filipina lola ay papayagang magtrabaho sa United States, dahil ang location shooting ay gagawin sa Atlanta, Georgia.

Good luck, Ms. Gina Pareno!

-NORA V. CALDERON