July 20, 2026

Home SHOWBIZ

Andi Eigenmann, aminadong nepo baby!

Andi Eigenmann, aminadong nepo baby!
Photo Courtesy: Andi Eigenmann (FB)

Tahasang inamin ng dating aktres na si Andi Eigenmann na isa siyang nepo baby.

Ang “nepo babies” ay ibinansag sa mga anak o kamag-anak ng mga politiko at celebrities na pumapaldo o umaabante ang karera dahil sa koneksyon. 

Naging matunog ito sa Pilipinas noong pumutok ang isyu ng maanomalyang flood control projects dahil sa ilang kamag-anak ng mga politiko na todo-flex ng mamahaling gamit sa social media.

Maki-Balita: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya brodcsat-journalist Karen Davila, noong Sabado, Hulyo 18 dumayo siya ng Siargao para kapanayamin doon si Andi.

Tsika at Intriga

Angel Locsin, ni-like ulat tungkol sa pag-unfollow ni Mariel Padilla sa kanila ni Anne Curtis

Kabilang sa mga naurirat kay Andi ay ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging child star.

“I don’t think that I noticed it that time. But it’s the pressure. Because obviously, I mean, technically, I am a nepo baby,” saad ni Andi.

Dagdag pa niya, “Before that time, when I was starting out, it was more of like because I was one, there’s even more pressure to really prove that I'm more than just a child, that I can make a name for myself, that I’ve got what it takes, that I deserve to be here.”

Ayon sa dating aktres, nakaapekto umano ito sa kaniyang mental health na lumalaki siya hindi bilang isang ordinaryong bata kundi isang celebrity na kumakayod para sa sarili at pamilya.

Nagsimulang umarte si Andi sa edad na 17. Anak siya ng parehong aktor na sina Jaclyn Jose at Mark Gil.