July 20, 2026

Home BALITA Politics

SP Gatchalian, wala pa ring kontak kay Sen. Bato

SP Gatchalian, wala pa ring kontak kay Sen. Bato
Photo Courtesy: via MB

Kinumpirma ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang komunikasyon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Sumalang si Gatchalian bilang guest sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Hulyo 18. 

Kabilang sa mga nahagip sa usapan nina Gatchalian at Kapamilya broadcast-jounralist Karmina Constantino ay ang tungkol sa ginagawa ng Senate President para palitawin si Dela Rosa mula sa pagtatago.

“Mayroon ba kayong communication? Mayroon ba kayong pinapaabot sa kaniya na bumalik ka, harapin, magtrabaho?” tanong ni Constantino.

“Wala akong communication with him,” sagot ni Gatchalian. “But obviously, he’s incommunicado because of his situation right now.”

Politics

‘Di mo lang type yung isang tao, gusto mo nang ikulong?’ Sen. Alan, binira banta ni Sen. Ping

“But alam niya naman na senator siya and his responsibility to us is to perform as a senator. But the complication there is mayro’n din siyang arrest warrant from the ICC, which is also being enforced,” dugtong pa niya.

Matatandaang dalawang buwan na simula nang tumakas si Dela Rosa sa gitna ng kinakaharap na arrest warrant mula sa ICC bilang kasabwat sa madugong giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, itinuturing naman ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Robin  bilang person of interest sa pag-eskapo ng kabarong senador.

Batay sa isinapublikong CCTV footage ng pulisya noong Mayo 20, magkasamang pumunta ang dalawa sa parking lot ng Senado at sumakay sa Fortuner na puti na may plakang “DAV 1225” na nakarehistro umano sa pangalan ng huli.

Maki-Balita: Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI