Bibilisan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa Makati City, kamakailan.
Ito ang reaksyon ni Department of Justice (DOJ) Menardo Guevarra kasunod ng kautusan nito sa NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa kaso.
Inilabas ni Guevarra ang kautusan ay bunsod ng pag amin nito na nakukulangan siya sa initial investigation ng Makati City Police.
Ang kautusan ay nakapaloob sa Department Order ni Guevarra na may petsang Enero 7 kung saan sinabihan nito ang NBI na magsampa ng kaukulang kaso sa lahat ng mapapatunayang responsable sa pagkamatay ni Dacera.
Binigyan ni Guevarra si NBI-officer-in-charge Eric Distor ng 10 araw para magsumite ng progress report.
Matatandaang natagpuang namatay si Dacera matapos ang New Year’s Eve celebration, kasama ang ilang kaibigan sa isang hotel sa Makati.
-Beth Camia