MAS sumaya ang 55th birthday celebration ni Sharon Cuneta sa isang isla na hindi binanggit nang dumating si KC Concepcion. Naging mas kumpleto ang kaarawan ni Mega dahil kumpleto ang kanyang pamilya.

Post ni Sharon: “KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where I and the rest of the family are! She brought me our favorite Strawberry Shortcake and Tim brought my beautiful flowers! What a sweet surprise.”

Sagot lang ni KC, “Surpriiiiiiise, love you with all my heart mama.”

Nauna rito, nag-post si KC sa IG Story ng “About to do a lil something special for special someone” at naiisip ng mga nakabasa noon na ang puntahan ang mom niya kung saan nagbabakasyon ang tinukoy na gagawin sa isang special someone.

Tsika at Intriga

Sam, pinalagan batikos sa It's Showtime matapos manalo ni Sofronio

Ikinatuwa ng fans nina Sharon at KC ang ginawa ni KC na puntahan si Sharon lalo na at kaarawan nito. May nag-comment nga ng “definitely only YOU, could give a certain kind of joy to your mama that no one else can. You made her superrr duperrrr happy! Keep it up.”

Umaasa ang fans na magiging madalas ang pagkikita nina Sharon at KC, na kahit walang okasyon ay magkikita ang mag-ina. Alam nilang lubos itong ikatutuwa ni Sharon.

Samantala, guest si KC ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth this January 10. Magluluto si KC sa Sunday episode at pag-uusapan din nila ni Dingdong ang kanyang mga advocacy.

-Nitz Miralles