July 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga sugatan sa school shooting incident sa Tacloban, 15 na!

Mga sugatan sa school shooting incident sa Tacloban, 15 na!
Photo courtesy: DepEd (FB)

Nakapagtala na ng 15 sugatan ang Philippine National Police (PNP) dahil sa insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, noong Lunes ng umaga, Hunyo 22. 

MAKI-BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!

Sa ulat ng Tacloban City Information Office, as of 8:00 AM ngayong Martes, Hunyo 23, anim sa mga naitalang sugatan ay babae habang siyam naman ay mga lalaki, ayon sa bilang ng PNP. 

Bukod dito, nakapagtala rin ng limang “not gunshot-related” injuries ang PNP mula sa nasabing insidente, kung saan tatlo rito ay babae at dalawa naman ang lalaki. 

Samantala, nananatili sa tatlo ang bilang ng mga nasawi. 

Probinsya

Lalaking 'di masaway sa maingay na tambutso, hinataw ng kawayan sa ulo!

Matatandaang kinumpirma ng mga awtoridad na 15-anyos at 14-anyos ang edad ng mga suspek sa pamamaril. 

Ang mga ginamit nilang armas ay kapwa rehistrado, ang isa rito ay 9mm pistol na ginamit ng 14-anyos na suspek, na pagmamay-ari ng tiyahin niyang pulis. 

Habang 38 glock na baril naman ang ginamit ng 15-anyos na suspek. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City

KAUGNAY NA BALITA: Pulis na may-ari ng baril na ginamit sa Tacloban school shootout, nakaambang kasuhan!