MARAMI ang nag-congratulate kay Heart Evangelista dahil sa digital billboard niya na nakataas sa Time Square sa New York. Napa-tweet din si Heart ng “Waking up with my face in Time Square NY is so surreal.”

Ang sabi ng Cosmo Ph, “The digital billboard was for her collaboration with la’s Threads by la Faraoni, a sustainable and ethical fashion brand that offers bags and minaudieres made by Filipino artisans. Their IG account explained that Heart was carrying their Panda Minaudiere. You guessed it: It was named after Panda Ongpauco-Escudero, Heart’s dog!”

Maalalang nabalita rin ang pagkakasama ni Heart na “one of the world’s top luxury

influencers by Forbes France, ngayon naman, may digital billboard siya sa Times Square sa New York. Pang-international na ang datingan ng Kapuso aktres.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

And speaking of Heart, hindi kami magugulat kung kasama siya sa creative staff ng weekly series na gagawin niya sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon. Kailangan ang input niya sa series dahil tungkol sa fashion ang series na kanyang mundo. Sa Sorsogon mismo kukunan ang ilang eksena sa series, lugar kung saan, governor ang asawa ni Heart na si Chiz Escudero.

Nitz Miralles