Dadaan sa masusing pag-aaral ang lahat ng COVID-19 vaccine, bago payagan ang mga ito na magamit sa mga Pilipino.

Ito ang tiniyak ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Pena, makaraang lumabas sa isang pahayagan sa Taiwan na ang Sinopharm ay may 73 side effects.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Dela Pena, na may prosesong susundin ang Food and Drug Administration (FDA) bago payagan ang mga COVID vaccine manufacturer na ipagamit ang kanilang produkto sa Pilipinas.

Paliwanag ni Dela Pena, mayroong task group ang DOST kung nais ng isang pharmaceutical company na magsagawa ng clinical trials sa bansa.

Metro

‘Help us save lives!’ Pulang ilaw sa isang ospital sa Makati, muling binuksan

“Well, mayroon tayong prosesong sinusunod, magdadaan siya. At kung siya ay gustong mag-clinical trial dito, doon lang siya dumadaan sa DOST Task Group on Evaluation and Selection. Kung siya naman ay magsu-supply na lang, diretso na po siya sa FDA at ang FDA na ang bahala kung ano ang kanilang basehan ng kanilang desisyon,” paglilinaw ni Dela Pena.

Bukod dito, sinabi ng kalihim na maaari rin humingi ng tulong ang FDA sa DOST para sa evaluation ng isang bakuna.

Beth Camia