UMABOT sa 27 ang mga aplikante para sa darating na PBA Annual Rookie Draft .

Kabilang sa mga pinakahuling nagsumite ng kanilang aplikasyon si dating University of the East forward Alvin Pasaol at dating La Salle forward Leonard Santillan.

Ang 6-foot-4 na si Pasaol ay naglaro para sa Petron-Letran at Marinerong Pilipino sa PBA D-League bago naging no.2 rank 3x3 player ng bansa.

Si Santillan naman ay nakapaglaro sa Marinerong Pilipino sa PBA D-League at no.6 ranked 3x3 player ng Pilipinas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama din nilang nag-apply para sa Draft na gaganapin sa Marso 14 sina Frank Johnson, Tyrus Hill at Troy Rike.

Ang 6-foot-2 na si Johnson ay naglaro para sa AMA, Marinerong Pilipino at Gamboa Coffee Mix sa PBA D-League. habang ang 6-foot 5 forward na si Hill ay naglaro naman sa Adamson at La Salle.

Dati namang Gilas cadet ang 6-foot- 8 na si Rike na naglaro para sa National University bago naglaro sa 3x3 circuit.

Hanggang Enero 27 ang itinakdang deadline ng PBA Commissioner’s Office para sa pagsusumite ng aplikasyon at mga requirements parehas sa mga Fil-foreign at local players na gustong lumahok sa Draft.

-Marivic Awitan