WASHINGTON (AFP) — Inihayag ng US Justice Department nitong Biyernes na kinasuhan nila ang 15 katao na sangkot sa pag-atake sa Kongreso, kasama ang isang lalaki na inakusahan na nagtataglay ng mga bomba na ginawa upang kumilos tulad ng “homemade napalm.”

Ngunit sinabi ni Ken Kohl, federal prosecutor sa Washington US attorney’s office, na hindi nila inaasahan na kakasuhan ang sinuman sa “pag-uudyok” o “pag-aalsa” sa karahasan noong Miyerkules, sa gitna ng mga panawagan para sa ligal na aksyon laban kay President Donald Trump, kanyang abogado na si Rudy Giuliani at iba pa. para sa paghimok nito.

Inilantad ng department ang mga kaso laban sa 13 katao, kasama na si Richard Barnett, isang tagasuporta ni Trump na sinalakay ang tanggapan nina House Speaker Nancy Pelosi, at Lonnie Coffman ng Alabama, na napag-alaman na may dalang dalawang handguns at mayroong 11 Styrofoam-enhanced Molotov cocktails sa kanyang trak.

Ang iba ang mga kinasuhan na inihayag ay kasama si Christopher Albert ng Maryland, na diumano’y pumasok sa US Capitol na may dalang kargadong baril; at Mark Leffingwell, na kinasuhan ng pagsuntok sa isang opisyal.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

Karamihan sa 13 ay kinasuhan ng iligal na pagpasok sa restricted buildings ng Kongreso, at marahas o gulo na gawi.

Kinasuhan din sila ng impeding government functions matapos na pilitin ang pagsasara ng isang magkasamang pagpupulong ng Kongreso upang opisyal na sertipikahan ang karibal ni Trump na si Joe Biden bilang nanalo sa halalan noong Nobyembre 3, na hanggang nitong Huwebes ay ayaw tanggapin ni Trump.