KABILANG ang Meralco veteran forward Reynel Hugnatan sa mga kandidato para sa Most Improved Player award ng nakaraang PBA bubble.

Isa ang 42-anyos na si Hugnatan sa mga namuno para umabot ang Bolts hanggang semifinals ng nakalipas na 2020 PBA Philippine Cup sa loob ng bubble na idinaos sa Clark, Pampanga.

Nagtala siya ng average na 12.0 puntos, 4.3 rebounds at 2.3 assists kada laro sa nakalipas na season na ika-17 taon na nya sa pro league.

Kung magwawagi, si Hugnatan ang magiging pinakamatandang manlalaro na nagwagi ng award sa kasaysayan ng liga.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Katunggali ni Hugnatan para sa award sina Ginebra big man Prince Caperal Justin Chua at Jason Perkins ng Phoenix, Rain or Shine forward Javee Mocon at Raul Soyud ng NLEX.

Ang pinakamatandang nagwagi ng nasabing award ay sina Dante Gonzalgo at KG Canaleta noong kapwa sila 31- anyos, ang una noong 1989 at ang huli noong 2013.

Nakatakdang igawad ang mga individual awards ng PBA para sa nakaraang 2020 Philippine Cup sa isang virtual ceremony sa Enero 17.

-Marivic Awitan