Isa sa mga guest ng Magandang Buhay sa kanilang January 5 episode ay ang actor na si Diego Loyzaga na nagsalita na rin tungkol sa estado ng kanyang relasyon sa young star na si Barbie Imperial. Dito inaamin ni Diego na nanliligaw na siya sa dalaga. Tinanong ng mga hosts ang aktor tungkol sa sinasabi niyang panliligaw kay Barbie.
“Last time, Tita, tinanong mo siya rito eh. Tapos ang sabi niya, nagpaparamdam ako sa kanya, ‘di ba. Napanood ko. So ngayon, nililigawan ko na siya,”.
Ang confession ni Diego sa morning show ay lumabas ng ilang araw pagkatapos aminin ng dalawa via a social media ang kanilang romantic relationship.
Proud na ipinaskil ni Diego ang litrato nila ni Barbie on New Year’s Day at pinasalamatan ang girlfriend “for making the end of my 2020 memorable.”
Hindi naman inasahan ni Barbie na mahuhulog ang loob niya kay Diego.
Nagbahagi rin siya ng litrato ng kanilang date sa isang museum sa Rizal, na may caption na: “Still my favorite photo of us.” “Totally unexpected to fall for someone Ithought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one. Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love Ideserve. So thankful for you, thank God for you,” isinulat pa ni Barbie.
-Ador V. Saluta