MALALAKING programa at shows, ang patuloy na mapapanood ngayong 2021 mula sa GMA Network. Kasama na rito ang pagbabalik ng mga programang nahinto dahil sa COVID-19 quarantine lockdown.

Nauna ang GMA telebabad na Descendants of the Sun PH, nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, at napapanood na ngayon angLove of my Life nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes. Sa GMA Afternoon Prime, napapanood na angPrima Donnas nina Katrina Halili, Wendell Ramos at Aiko Melendez, at Bilangin ang Bituin sa Langit nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara. Susundan na ito ng inaabangang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales at Klea Pineda. Sa gabi, mapapanood na rin ang Ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Barbie Forteza,Kate Valdez, Migo Adecer at Jay Manalo.

Susunod na rin sa GMA Afternoon Prime ang Babawiin Ko Ang Lahat nina John Estrada at Carmina Villarroel, na first starring role niPauline Mendoza. Kasabay nito ang Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan, Rita Daniela kasama ang newcomer na si Ana Vicente. Magtatambal naman sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz, kasama sina Mike Tan at newcomer Claire Castro, sa Nagbabagang Luha.

Tiyak na ikatutuwa naman ng mga batang contestants ng Centerstage dahil ibabalik na ang paghahanap ng GMA Network sa mga Bida Kids na nahinto rin dahil sa pandemic, hosted by Alden Richards and Betong Sumaya with judges Aicelle Santos-Zambrano,Mel Villena and Concert Queen Pop Fernandez.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

At kaabang-abang na ang pagsisimula ng action-packed family drama every Sunday evening na Agimat ng Agila na magtatampok kay Senator Bong Revilla Jr. with Sanya Lopez, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, at Elizabeth Oropesa.

Ilan pa sa aabangang new shows ang First Yaya, Legal Wives, Owe My Love, Lolong, The Lost Recipes, at marami pang iba.

-NORA V. CALDERON