PAGKATAPOS ipakita ang kanyang baby kay Joem Bascon, sa amang si Willie Revillame naman dinala ni Meryll Soriano ang kanyang baby. Dalawang photos ang pinost ni Meryll na karga ni Willie ang kanyang baby at may caption na “With Lolo.”
Disable pa rin ang comment box ng Instagram ni Meryll kung saan naka-post ang pictures ni Willie na karga ang kanyang baby, kaya walang makapag-comment.
The same thing na ginawa ni Meryll nang ipakilala kay Joem ang kanyang baby, disable ang kanyang comment box, kaya walang makapag-comment. Wala tuloy makapagtanong sa kanya kung si Joem ba ang ama ng kanyang baby na hindi pa sinabi ang gender.
Si Joem din ang iniisip ng netizens na ama ng baby na bukod sa hindi pa sinasabi ang gender, hindi pa rin nababanggit ang pangalan.
-NITZ MIRALLES