July 03, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Tips para 'di ka maadik sa socmed

ALAMIN: Tips para 'di ka maadik sa socmed
Photo courtesy: Unsplash


Sa kasalukuyang panahon, hindi na lamang iilan bagkus halos lahat ng tao sa mundo ay may social media accounts.

Hindi na lang din limitado sa simpleng komunikasyon ginagamit ang social media, ngunit isa na rin itong mahalagang bagay o elemento sa larangan ng edukasyon, trabaho, negosyo, at iba pa.

Kung iisipin nga, tila halos lahat ng indibidwal ay nakadepende na rito, sapagkat mukhang halos lahat ng bagay ay maaaring gawin gamit ito.

Dahil diyan, hindi maiiwasan ang sobrang paggamit ng social media, na hindi maikakailang isa sa mga problemang hatid nito—sa madaling salita, social media addiction.

Bakit nga ba naaadik ang isang tao sa social media?

Ayon sa artikulo ng Providence Project Organization, may iba’t ibang mga dahilan kung bakit naaadik ang isang tao sa paggamit ng social media.

Isa na rito ay ang nailalabas na “dopamine” ng katawan matapos makatanggap ng likes, comments, at iba pang nakatutuwang reaksiyon sa plataporma.

Bumubuo ito ng sensasyon o “pleasure” na nagiging dahilan ng adiksyon.

Negatibong epekto ng social media addiction

Batay sa parehong source, ilan lamang sa mga negatibong epekto na maaaring mangyari dahil sa adiksyon sa social media ay ang mga sumusunod:

ALAMIN: Paano nagiging 'upper middle-income country' ang isang bansa?

- Anxiety

- Eating disorders

- Grey matter reduction 

- Cognitive effects

- Anger

- Suicide risk

- Distraction

Dahil sa hindi mga magandang epekto ng adiksyon sa social media, narito naman ang ilang tips kung paano lalabanan ito:

Una, maaaring gumamit ng hiwalay na device sa social media accounts. Sa paraang ito, ang pagtatrabaho ay hindi maaantala kung sakaling makatanggap man ng notification.

Sunod, pag-isipang mabuti kung may mabuti nga bang epekto ang labis na pagbabad sa social media. Sa paraang ito, mas mauunawaan ang sitwasyon,  at malalaman kung kailan magpapatuloy o titigil.

Pagkatapos, nararapat na panalunin ang disiplina. Alamin kung ano ang tamang pagkontrol sa paggamit ng plataporma.

Maaari ding mag-offline at subukang makihalubilo sa mga taong pisikal na nakakasama—kasabay ang pagpatay ng notification upang hindi matukso.

Nasa kamay ng bawat indibidwal ang kaniyang desisyon—kung kaya’t nasa kaniya rin kung siya ba ay magpapatalo o magpapagapi sa social media addiction.