SINAGOT ni Sunshine Cruz ang netizen na nag-comment na kaya pala naghiwalay sila ni Cesar Montano dahil kay Macky Mathay na tinawag na “kalbo” ng netizen. Ito ay pagkatapos makita ang litrato nina Sunshine at Macky na pinost ni Sunshine sa Instagram.

sunshine at macky

Sagot ni Sunshine, “I share my photos hindi para bastusin mo lang. 3 taon na kaming hiwalay ni Cesar ng makilala ko si Macky. Opo kalbo sya pero palagay ko mas edukado at gwapo sya sayo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”

Isang netizen ang nagpayo kay Sunshine na ‘wag nang intindihin ang pangit (netizen na pumuna kay Macky). “Pangit na nga wala pang pinag-aralan at masama pa ang ugali. Tingnan mo hitsura niya mukhang tukmol.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Natatawang sinagot ni Sunshine ang nagtanggol sa kanya at ang sabi, “Haha! Happy New Year! Kung sino pa minsan ang hindi kagwapuhan sya pang may lakas ng loob mangutya ng kapwa tao.”

Samantala, going strong ang relasyon nina Sunshine at Macky at sa family picture nina Sunshine, kasama na si Macky. Sa family dinner nina Sunshine noong New Year, tinulungan siya ni Macky na magluto.

Very close rin si Macky sa three daughters ni Sunshine, kaya hindi masisira ng bashers at pagtawag sa kanya ng “kalbo” ng bashers.

Nitz Miralles